Saturday, October 12, 2019

Sampu, Sampiso

Sa sampung sinabi mo, isa lang ang totoo
Hindi ko alam kung bakit nagpakaloko
Walang pangako, walang klaro
Kapos din sa totoo.

Bukas ang maiiwan na lang, marka ng alaala
Ilang araw lang ay mawawala na
Ngayon pa lang tinapos ang istorya
Na dapat sana ay di na nagsimula.

Mabuti pa ang tula madaling wakasan
Hindi gaya ng pag-asa, bigla ka na lang iiwan
Walang sinisino, pakiwari at pasintabi
Di tulad ng tula, na sa labi namutawi. 

**It was ALMOST an anxiety attack.

Inhale... Exhale...