'Di ba nga ito ang 'yong gusto, ito'y lilisan na ako
Mga alaala'y ibabaon Kalakip ang tamis ng kahapon
So finally, you had the courage to tell me, kahit sa Messenger lang, hindi pa sa'yo. Why? Because she can monitor your messages. Kaya pala paikli na ng paikli ang mga messages mo. Kaya pala puro safe words na.
Mga gabing 'di namamalayang oras ay lumilipad
Mga sandaling lumalayag kung sa'n man tayo mapadpad
I knew this would come soon to an end. Somehow you have prepared me. May mga panahon na kasama nga kita pero iba ang kausap mo. Katabi nga kita pero nasa iba ang isip mo.
Bawat kilig na nadarama sa tuwing hawak ang iyong kamay
Ito'y maling akala isang malaking sablay
You made my heart skip a beat. Akala ko totoo na. I was blinded by what I felt for you five years ago and now. Mali pala ako. Isa lang pala akong "pansamantala".
Pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito
Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
Ako'y gigising na sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo (Lalayo sa)
Sorry at lagi mong natye-tyempuhan na sardinas ang ulam natin. Na sinaway kita nung marami kang sinandok na sibuyas. Sorry kung naiinis ako minsan sa'yo sa mga sandaling oras na kasama kita. Sorry kung may mga gusto ka na di ko kayang gawin. Sorry if I was the jealous type. Sorry if I told you na may iba akong nagugustuhan. What do you want me to do? Maging sa'yo lang tapos hindi ka naman akin lang. Pero alam ko naman na alam mong wala naman talagang iba.
Gaano kabilis nagsimula gano'n katulin nawala
Maaari ba tayong bumalik sa umpisa upang 'di na umasa ang pusong nag-iisa?
Seven months. I know ako lang ang nagbibilang. It was my happiest seven months so far. Na sana naging mas masaya pa sana kung nangyari lang yung plano natin. Hindi mo na malalaman na muntik na syang maging totoo. Sabi ko nga you made it happy but uncertain. Ang hirap mo palang mahalin, no wonder. Gustuhin ko man na bumalik sa umpisa. Hindi na kaya. Malabo na.
Pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito
Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
Ako'y gigising na sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo (Lalayo sa)
Hindi ako umaayaw dahil ayaw ko na. Umaayaw ako dahil ayaw mo na. Hindi ko na rin naman kaya na ganun lang tayo, kung anuman ang meron tayo. Alam mo naman kung ano ka sa akin, mula noon hanggang ngayon. Pero hindi ko na kaya. Hindi ko na kakayanin na maging masaya with the uncertainties you are giving me.
Sumabay sa agos na isinulat ng tadhana, na minsan s'ya'y para sa iyo
Pero minsan, s'ya'y paasa. Tatakbo, papalayo, kakalimutan ang lahat
Kaya ko ba? Kailangan kong kayanin. Hindi na ako yung kailangan mo eh. Wala na ako sa'yo. Kinalimutan mo na lahat ng sinabi mo, na lagi mo namang kinakalimutan kinabukasan lang. Makakaahon ba ako dito? Oo, kailangan. Kakayanin. Limang taon ka lang ng buhay ko. Pitong buwan lang dun ang naging totoo.
No comments:
Post a Comment